^

PSN Palaro

PLDT sososyo sa liderato

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
PLDT sososyo sa liderato
Muling sasandigan ng PLDT sina Savi Davidson at Majoy Baron kontra SGA.
PVL photo

MANILA, Philippines — Ipagpapatuloy ng PLDT Home Fibr ang pananalasa papasok sa semifinal round ng 2024 Premier Volleyball League All-Filipino Confe­rence.

Sasagupain ng High Speed Hitters ang sibak nang Strong Group Athle­tics ngayong alas-6 ng gabi matapos ang bakbakan ng Nxled Chameleons at Farm Fresh Foxies sa alas-4 ng hapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nasa tuktok ng team standings ang Choco Mu­cho hawak ang 7-1 kartada kasunod ang PLDT (6-1), Petro Gazz (6-2), nagdedepensang Creamline (6-2), Cignal HD (5-2), Chery Tiggo (5-2), Akari (2-5), Nxled (2-5), Farm Fresh (2-6), Galeries Tower (2-6), Capital1 (1-7) at SGA (0-7).

Nasa four-game winning streak, ang High Speed Hitters ang pinakamainit na koponan ngayon, habang ang unang panalo ang hanap pa rin ng Athletics.

Hinataw ng PLDT ang 25-17, 25-20, 25-19 panalo sa Akari tampok ang 13 points ni Majoy Baron mula sa 13 points, dalawang blocks at tatlong aces.

“Nag-perform naman, okay lang kahit ganoon iyong scores, basta nakuha namin,” ani coach Rald Ricafort. “So medyo may buwelo kami going to the latter part na ng tournament.”

Matapos ang Chargers ay haharapin ng High Speed Hitters ang Crossovers, HD Spikers at Cool Smashers.

Nakalasap naman ang Athletics ng 16-25, 16-25, 15-25 kabiguan sa Chameleons sa huli nilang laro.

Sa unang laro, sisilip ng pag-asa sa semis ang Chameleons sa pagsagupa sa Foxies.

Pumalo ang Nxled ng 25-16, 25-16, 25-15 panalo sa SGA para pigilin ang two-game losing skid at buhayin ang kanilang tsansa sa semis, habang nakalasap ang Farm Fresh ng 10-25, 14-25, 15-25 kabiguan sa Cignal.

vuukle comment

PLDT

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with