^

PSN Palaro

Creamline bagsak sa Petro Gazz

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Creamline bagsak sa Petro Gazz
Na-blocked ni Jema Galanza ng Creamline ang kill ni Brooke Van Sickle ng Petro Gazz.
PVL photo

MANILA, Philippines — Ipinalasap ng Petro Gazz ang ikalawang kabiguan ng nagdedepensang Creamline mula sa kanilang 15-25, 25-18, 24-26, 25-19, 15-13 panalo sa 2024 PVL All-Filipino Conference kahapon sa Santa Rosa Multi-Purpose Complex sa Laguna.

Nagpasabog si Fil-Am Brooke Van Sickle ng conference-high na 29 points para banderahan ang pagtabla ng Gazz Angels sa Cool Smashers sa third spot sa magkatulad nilang 6-2 record sa ilalim ng lider na Choco Mucho Flying Titans (7-1) at segundang PLDT High Speed Hitters (6-1).

“It’s just surreal. Creamline is an amazing team. It’s just a tough battle,” wika ni Van Sickle na nagtala ng 23 attacks, apat na blocks at dalawang aces.

Bigo ang Cool Sma­shers na makadiretso sa ikatlong sunod na ratsada.

Samantala, sinibak ng Choco Mucho ang Capital1 Solar Energy, 25-15, 25-16, 25-21, para sa kanilang 7-1 kartada.

Tumapos si Sisi Rondina na may 13 points mula sa 12 attacks at isang block para sa ikatlong dikit na arangkada ng Flying Titans at patibayin ang pag-asa sa semifinals.

Umiskor si Isa Molde ng siyam na marka kasunod ang tig-walong puntos nina Maddie Madayag at Cherry Nunag.

“Kahit sinong ipasok namin nagde-deliver. Iyon naman iyong importante sa team namin,” wika ni coach Dante Alinsunurin. “Sabi ko nga, in terms of pangangailangan namin sa mga players namin, kapag crucial, mayroon kaming huhugutin.”

Nagtala si Deanna Wong ng siyam na excellent sets, samantalang naglista si Thang Ponce ng 19 excellent digs.

Sa unang laro, sumilip ng tsansa sa semis ang Akari matapos gibain ang Galeries Tower, 25-19, 25-17, 25-20.

vuukle comment

PETRO GAZZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with