^

PSN Palaro

Para sa NCAA Jrs. crown

Rusell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Para sa NCAA Jrs. crown
Amiel Acido ng Perpetual.
STAR/ File

Junior Altas at Squires magtutuos sa huling pagkakataon

MANILA, Philippines — Ang kanilang kauna-unahang NCAA juniors crown ang target ng Univer­sity of Perpetual Help System DALTA, habang na­katutok ang Letran sa back-to-back title at ika-14 sa kabuuan.

Sa huling pagkakataon ay maghaharap ang Junior Altas at Squires ngayong alas-9:30 ng umaga sa ‘winner-take-all’ Game Three ng Season 99 NCAA juniors basketball finals sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan City.

Matapos kunin ng Letran ang 97-80 panalo sa Game One ay rumesbak ang Perpetual para sa 91-90 desisyon sa Game Two ng kanilang best-of-three title series.

Isa lamang sa Junior Altas at Squires ang magta­taas sa tropeo.

“I expect na it will not be very easy because they are a champion team. Their coaching staff are really winners,” sabi ni Perpetual coach Joph Cleopas.

Hindi sasayangin ng Letran ni mentor Allen Ri­car­do ang pagkakataong makopo ang ikalawang sunod na titulo.

“Nawala iyong energy namin sa Game Two, hindi namin na-sustain iyong energy namin,” wika ni Ricardo. “Dapat  Game Three taasan namin iyong energy namin. I’m looking forward to Game Three.”

Sina MVP Amiel Acido, JD Pagulayan, Mark Gojo Cruz at Lebron Jhames Daep ang muling sasanda­lan ng Junior Altas kontra kina Jonathan ‘Titing’ Ma­nalili, George Diamante, Da­niel Padilla at Syrex Siloio ng Squires.

“We’ll just give our best and this coming Saturday, ilalabas na lahat ng Letran. Isa lang masasabi is God-willing, ibigay sa amin. If not, glory to God pa rin,” ani Cleopas.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with