^

PSN Palaro

Abando ready sa Gilas call up

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Abando ready sa Gilas call up
Rhenz Abando.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Handa si Rhenz Abando sakaling kailanganin ito ng Gilas Pilipinas sa mga susunod na international tournaments na lalahukan ng Pinoy squad.

Sinabi ni Abando na hindi ito magdadalawang-isip sa oras na tawagin ito para lumaro sa Gilas.

“Ako naman ready ako maglaro for Gilas anytime basta healthy ako, walang injury,” ani Abando.

Hindi kasama si Abando sa lineup na inilabas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para ma­ging bahagi ng programang hahawakan ni Gilas head coach Tim Cone.

Isa sa dahilan nito ang iniindang injury ni Abando na natamo nito habang naglalaro sa Korean Basketball League kasama ang Anyang Jung Kwan Jang Red Boosters noong Disyembre.

Matatandaang ma­tindi ang pagkakabagsak ni Abando dahilan para magtamo ito ng spinal injury.

Aminado si Abando na wala pa siya sa perpektong kundisyon at kasalukuyang sumasailalim sa rehabilitas­yon para sa lubusang paggaling ng kanyang injury.

May nararamdaman pa rin itong sakit kaya’t limitado ang naging playing time nito nang maglaro ang Anyang sa semifinals ng EASL na ginanap sa Cebu City.

Sunod na lalahukan ng Gilas Pilipinas ang Olympic qualifying tournament na idaraos sa Hulyo 2 hanggang 7 sa Riga, Latvia.

Makakasagupa ng Gilas Pilipinas sa Group A ang Georgia at host Latvia.

vuukle comment

RHENZ ABANDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with