^

PSN Palaro

Beermen nilasing ang Elasto Painters

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Beermen nilasing ang Elasto Painters
Hindi napigilan nina Mark Borboran at Gabe Norwood ng Rain or Shine ang pagararo sa kanila ni June Mar Fajardo ng San Miguel.
PBA Image

MANILA, Philippines — Sinimulan ng Beermen ang kanilang kampanya sa Season 48 PBA All-Filipino Conference sa pamamagitan ng panalo.

Kumalabit si Jericho Cruz ng 20 points, habang may 17 markers si Marcio Lassiter kasama ang li­mang three-point shots sa 109-97 paggupo ng San Mi­­guel sa Rain or Shine ka­­hapon sa Smart Araneta Co­liseum.

Humakot si seven-time PBA MVP June Mar Fajar­do ng 15 points at 10 rebounds para sa 1-0 record ng Beeemrn at may 16 at 13 markes sina Don Trolla­no at Terrence Romeo, ayon sa pagkakasunod.

Nalasap ng Elasto Painters ang ikaapat na di­kit na kamalasan.

Mula sa two-point lead sa first period ay inilista ng SMB, nagmula sa pagha­ha­ri sa nakaraang Com­mis­sioner’s Cup kontra sa Mag­nolia, ang 58-45 bentahe sa Rain or Shine pag­silip ng third period.

Naputol ito ng Elasto Pain­ters sa 85-96 sa 8:21 minuto ng fourth quarter bago ibinalik sa laro si Fa­jardo na kumana ng basket at isang triple para sa 101-85 kalamangan ng Beermen.

Ang jumper ni Romeo ang nagbigay sa SMB ng 20-point lead, 107-87, sa hul­ing 3:41 minuto ng laro.

Samantala, maglalaro ang PBA sa makasaysa­yang Rizal Memorial Complex sa Vito Cruz, Manila.

Magtutuos ang Magno­lia at Converge sa alas-6:15 ng gabi matapos ang upakan ng Blackwater at Ter­rafirma sa alas-3 ng ha­pon.

vuukle comment

BEERMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with