^

PSN Palaro

Canino aasahan ng DLSU laban sa NU

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nais ni Angel Canino na akayin ang defending champions De La Salle Uni­versity para masikwat ang ikaanim na panalo kontra sa National University sa UAAP Season 86 wo­men’s volleyball tournament sa Smart Araneta Co­liseum.

Aarangkada ang pa­luan ng Lady Spikers at La­dy Bulldogs ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang bakbakan ng league lea­der University of Santo To­mas Golden Tigresses at Adamson Lady Falcons sa alas-4 ng hapon.

Hawak ang 5-1 karta, puro straight sets ang panalo ng Taft-based squad pero matindi ang makakalaban ng DLSU dahil kasalo nila sa No. 2 spot ang maba­ngis na NU.

Bukod sa reigning MVP na si Canino ay huhugot din ng lakas ang Lady Spi­kers kina Thea Gagate at Shevana Laput at tutulong sa depensa si libero Lyka De Leon.

Tumikada si Canino ng 16 points mula sa 13 attacks, 2 blocks at 1 service ace nang talunin ng Lady Spikers ang Uni­versity of Philippines Lady Maroons, 25-15, 25-17, 25-18.

Ipantatapat ng Lady Bulldogs sina Mhicaela Be­len, Evangeline Alinsug at Alyssa Solomon.

Magaang din na tinalo ng NU ang University of the East sa huli nilang laro.

Samantala, pakay naman ng Golden Tigresses na ma­natiling malinis ang karta sa pagtatapos ng first round tangan nila ang 6-0 karta sa pagharap sa Lady Falcons.

ANGEL CANINO

CANINO

MU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with