^

PSN Palaro

Highrisers gumuho sa Cool Smashers

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Highrisers gumuho sa Cool Smashers
Nirapido ng spike ni Alyssa Valdez ng Creamline ang depensa nina Andrea Marzan at Renee Mabilangan ng Galeries.
PVL photo

MANILA, Philippines — Sa first set lamang na­ngalay ang nagdedepen­sang Creamline bago gi­bain ang Galeries Tower, 25-22, 25-17, 25-15, sa 2024 PVL All-Filipino Con­fe­­rence kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nagtala si Michele Gu­mabao ng 10 points at tat­long blocks para sa 3-0 kar­tada ng Cool Smashers para sosyohan ang Choco Mucho Flying Titans sa li­derato.

Umiskor si Tots Carlos ng 9 markers, habang may 8 at 6 points sina Alyssa Valdez at Lorie Lyn Bernardo, ayon sa pagkakasunod.

“Okay iyong rotation. Actually, every game naman kahit sino iyong kala­ban, puwedeng maging ro­tation iyong team namin. So ngayon naman, sabi na­min mag-perform ng ma­ganda,” ani coach Sherwin Meneses.

Naglista si Kyle Neg­rito ng 18 excellent sets ka­sama ang dalawang puntos para sa defending champions.

Binanderahan ni Ysa Jimenez ang Highrisers, bumagsak sa 0-3 marka, sa kanyang 11 points mula sa 11 attacks.

Pumalag ang Galeries sa first set bago naitakas ng Creamline ang 25-22 pa­nalo kasunod ang 25-17 pag-angkin sa second frame para sa kanilang 2-0 bentahe.

Sa third set ay kinuha ng Highrisers ang 10-7 ka­lamangan.

Naghulog naman ang Cool Smashers ng 10-2 bom­­ba sa pangunguna ni Gu­mabao para agawin ang 19-12 bentahe.

Humataw pa ang Creamline ng 6-3 atake pa­­ra tuluyan nang talunin ang Galeries na may 32-45 agwat sa attack department.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE SEASON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with