^

PSN Palaro

Abando, Anyang makikipagtuos sa SK Knights ngayon

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
Abando, Anyang makikipagtuos sa SK Knights ngayon
Rhenz Abando (12
East Asia Super League

MANILA, Philippines — Wala pang kasiguruhan kung makakalaro na ang pambato ng Pilipinas na si Rhenz Abando para sa Anyang sa pagsisimula ng East Asia Super League (EASL) Final Four sa Hoops Dome dito sa Lapu-La­pu City, Cebu.

Iniinda ni Abando ang back injury na nadale sa pagbabalik niya sa Korean Basketball League (KBL) noong nakaraang linggo kaya titingnan pa kung makakasalang siya para sa Jung Kwan Jang Red Boosters na sasagupain ang kapwa Korean team na Seoul SK Knights.

Makakaharap ng An­yang ang Seoul, tinalo nila para sa korona ng KBL at EASL Champions Week noong nakaraang taon, ngayong alas-5 ng hapon bago ang laban ng New Taipei Kings at Chiba Jets ng Japan sa alas-8 ng gabi.

Sa Linggo naman ang finals tampok ang $1 mil­yong premyo para sa magi­ging kampeon sahog pa ang karangalan bilang hari ng EASL sa kauna-unahan nitong home-and-away season na kinatampukan din ng PBA na TNT Tropang Giga at at Meralco.

Matatandaang nagta­mo ng seryosong back injury ang Gilas Pilipinas ace kaya hindi nakalaro ng ilang buwan bago magbalik-aksyon kontra sa Goyang sa KBL nitong Linggo.

Bagama’t hindi pa 100% ay nangako si Aban­do na gagawin niya ang la­hat para manalo ang Anyang sa SK Knights.

vuukle comment

RHENZ ABANDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with