Curry-Kuminga duo nagpanalo sa Warriors
TORONTO , Philippines — Nagbagsak si Stephen Curry ng 25 points kasama ang pitong triples kasunod ang 24 markers si Jonathan Kuminga para sa 120-105 panalo ng Golden State Warriors laban sa Raptors.
Nag-ambag si Moses Moody ng 17 points, habang may 14 markers si Klay Thompson para sa ikatlong sunod na ratsada ng Golden State (32-27) na nakahugot kay Draymond Green ng 13 rebounds.
Umiskor si RJ Barrett ng 23 points sa panig ng Toronto (22-38) at humakot si Kelly Olynyk ng 16 points at 10 rebounds.
Kinuha ng Raptors ang 64-61 halftime lead bago humataw ang Warriors ng 32 points sa third quarter patungo sa panalo.
Sa Boston, humataw si Jayson Tatum ng 32 points sa 138-110 dominasyon ng Celtics (47-12) sa Dallas Mavericks (34-26).
Sa Minnesota, iniskor ni Malik Monk ang 35 sa kanyang 39 points sa second half para giyahan ang Sacramento Kings (34-25) sa 124-120 overtime win sa Minnesota Timberwolves (42-18).
Sa Chicago, kumolekta si superstar forward Giannis Antetokounmpo ng 46 points at 16 rebounds sa 113-97 paggiba ng Milwaukee Bucks (40-21) sa Bulls (28-32).
Sa New Orleans, humugot si Brandon Ingram ng 19 sa kanyang 34 points sa franchise record-tying na 48-point first quarter ng Pelicans (36-25) para sa 129-102 paggupo sa Indiana Pacers (34-27).
- Latest



















