^

PSN Palaro

Chinese-Taipei bugbog sa Gilas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Chinese-Taipei bugbog sa Gilas
Sinugod ni Gilas Pilipinas center Kai Sotto ang depensa ng Chinese Taipei.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Bugbog ang isinalubong ng Gilas Pilipinas sa bisitang Chinese Taipei matapos iposte ang 106-53 panalo sa first window ng FIBA Asia Cup 2025 qualifiers kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Humakot si naturalized player Justin Brownlee ng 26 points, 13 rebounds at 5 assists habang may 18 markers, 10 boards, 5 assists si 7-foot-4 Kai Sotto.

Winalis ng Nationals ang first round sa kanilang 2-0 record katabla ang New Zealand Tall Blacks kasama ang naunang 94-64 dominasyon sa Hong Kong.

Bagsak ang Chinese Taipei sa 0-2 kagaya ng Hong Kong.

Huling nakatabla ang mga Taiwanese sa 9-9 kasunod ang ratsada ng Nationals para sa 38-18 abante sa 6:27 minuto ng second period.

Ang jump shot ni Japeth Aguilar ang nagtayo sa 29-point lead, 52-23, ng Gilas sa huling 1:06 minuto sa second quarter patungo sa 52-27 halftime advantage sa Chinese Taipei.

Sa fourth period ay ipinasok ni Dwight Ramos ang kanyang layup para sa 99-45 bentahe ng Natio­nals sa huling 3:26 minuto ng laro.

Sasalang ulit ang Nationals sa Nobyembre 21 kontra sa New Zealand bago muling labanan ang Hong Kong sa Nobyembre 24 sa second window ng qualifiers.

Sa Pebrero 20 ng susunod na taon ay haharapin muli ng Gilas ang Chinese Taipei kasunod ang New Zealand sa Pebrero 23 para sa third window.

Ang top two teams sa bawat grupo ang makakakuha ng direct berth para sa 31st FIBA Asia Cup sa Agosto 5-17, 2025 sa Jeddah, Saudi Arabia.

Sasabak din ang tropa ni Cone sa Olympic Qualifying Tournament sa Riga, Latvia sa Hulyo 2-7 sa layuning makapaglaro sa 2024 Paris Games.

Sa iba pang resulta, inagaw ng Japan (2-0) ang 76-73 panalo sa China (1-1) sa Ariake Coliseum para walisin ang first window sa Group C ng FIBA Asia Cup qualifiers.

Nagtala naman si San Miguel guard Jericho Cruz ng 10 points sa 74-63 pagdaig ng Guam (1-1) sa Mongolia (0-2).

Sa Group B, tinalo ng New Zealand ang Hong Kong, 88-49.

FIBA ASIA CUP

GILAS PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with