^

PSN Palaro

Win No. 5 pakay ng Junior Altas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang pagdiretso sa pang-limang sunod na panalo ang pakay ng University of Perpetual Help sa pagharap sa Arellano University sa Season 99 junior basketball tournament sa Filoil EcoOil Arena sa San Juan City.

Sasagupain ng Junior Altas ang Braves ngayong alas-2:30 ng hapon kasunod ang upakan ng San Sebastian Staglets at Jose Rizal Light Bombers sa alas-4:30 ng hapon.

Sa unang laro sa alas-8 ng umaga ay magtatapat ang Mapua Red Robins at nagdedepensang Letran Squires habang lalabanan ng St. Benilde Junior Bla­zers ang San Beda Red Cubs sa alas-10 ng umaga.

Magtutuos sa alas-12 ng tanghali ang Lyceum Junior Pirates at Emilio Aguinaldo College Brigadiers.

Kasalukuyang magka­sosyo sa liderato ang Perpetual at Mapua sa magkatulad nilang 4-0 baraha kasunod ang Letran (3-1), San Sebastian (3-1), San Beda (2-2), St. Benilde (1-3), EAC (1-3), Jose Rizal (1-3), Arellano (1-3) at Lyceum (0-4).

Ipinoste ng Junior Altas ang ikaapat na dikit na ratsada matapos ang 78-56 pagbugbog sa Red Cubs tampok ang 19 points, 6 rebounds, 5 assists at 2 steals ni Jan Pagulayan.

Nakalasap naman ang Braves ng 81-85 kabi­guan sa Junior Blazers sa kanilang huling laro.

vuukle comment

ECOOIL

FILOIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with