SGA-St. Benilde pinadapa ang 1Munti sa PSL

MANILA, Philippines — Itinumba ng SGA-St. Benilde ang 1Munti, 97-74, sa likod ng mga bagong hugot na sina Ian Torres at Roger Ondoa sa PSL President’s Cup sa Filoil-EcoOil Centre.
Ito ang pang-walong panalo ng Blazers sa 12 laro tampok an tig-15 points nina Torres at Ondoa na miyembro ng NCRAA champion team na Immaculada Concepcion College bago sila kinuha ng St. Benilde para sa susunod na NCRAA season.
Natala abg Blazers ng 25-point lead mula sa kanilang fastbreaks kung saan nahirapang makahabol ang 1Munti na mayroon lang naipong tatlong puntos mula rito.
Nakahugot ang St. Benilde ng 46 bench points kumpara sa 25 ng 1Munti. Samantala, naungusan naman ng CamNorte ang Novaliches, 102-100, sa labanan ng dalawang Warriors.
Kumamada si James Martinez ng triple-double performance na 17 points, 16 assists at 12 rebounds para tulungan ang Warriors ng Camarines Norte sa kanilang ikalawang panalo sa 12 laban.
- Latest


















