^

PSN Palaro

Beermen puro na!

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Beermen puro na!
Ang tirada ni SMB import Bennie Boatwright, Jr. laban kay Magnolia center Ian Sangalang sa Game 5 ng PBA Finals.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Inilapit ng Beermen ang sarili sa pagkopo sa pang-29 korona.

Ito ay matapos resba­kan ng San Miguel ang Mag­nolia, 108-98, sa Game Five ng Season 48 PBA Commissioner’s Cup Finals kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Bumanat si Jericho Cruz ng game-high 30 points tampok ang walong three-point shots para sa Beermen at may 21, 18 at 15 markers sina import Bennie Boatwright  Jr., June Mar Fajardo at Si­mon Enciso, ayon sa pagkakasunod.

Bumalikwas ang SMC franchise mula sa dalawang dikit na kabiguan sa Hotshots para kunin ang 3-2 lead sa kanilang best-of-seven championship series.

May tsansa ang SMB na tapusin ang Magnolia at angkinin ang titulo sa Game Six sa Miyerkules sa Big Dome.

Huling nagkampeon ang Beermen noong 2022 PBA Philippine Cup.

Tumipa si import Tyler Bey ng 34 points sa panig ng Hotshots.

Ang tres ni Cruz ang nagbigay sa San Miguel ng 28-18 bentahe sa pagbubukas ng second period bago nakatabla ang Magnolia sa 58-58 sa gitna ng third quarter.

Isang 12-3 atake ang inilunsad ng Beermen para muling makalayo sa Hotshots sa 70-61 na kanilang pinalobo sa 82-68 sa pagsisimula ng final canto.

Nakalapit ang Magnolia sa 75-82 bago nagsalpak si Cruz ng dalawang tres at isang triple si Enciso na naglayo sa San Miguel sa 91-77 sa 6:55 minuto ng laro.

Huling nagbanta ang Hotshots sa 96-99 mula sa basket ni Ian Sangalang at dunk at dalawang free throws ni Bey sa natitirang 1:14 minuto.

Ang krusyal na tres ni Cruz ang nagtaas sa Beermen sa 102-96 kala­mangan sa nalalabing 51.8 segundo.

vuukle comment

BEERMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with