^

PSN Palaro

Nangangamoy sweep sa Strong Group

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lumapit ang Strong Group sa tournament sweep matapos ilampaso ang Beirut Sports Club, 94-72, para masiguro ang pagpasok sa finals ng 33rd Dubai International Basketball Championship kahapon sa Al Nasr Club sa Dubai, United Arab Emi­rates.

Nagtala si dating NBA star Dwight Howard ng double-double output upang banderahan ang Strong Group sa panalo.

Ito ang ikapitong sunod na panalo ng Strong Group para manatiling malinis ang rekord nito sapul noong group stage.

Hataw si Howard ng matikas na 26 points at 20 rebounds habang nakatuwang nito si UAAP MVP Kevin Quiambao na gumawa ng 18 markers kabilang ang tatlong three-pointers.

Nagdagdag naman si dating La Salle standout Justine Baltazar ng 15 puntos habang kumana si Jordan Heading ng 10 markers para sa Strong Group.

Nauna nang tinalo ng Strong Group ang Lebanese club sa group stage sa iskor na 95-73.

Daraan sa matin­ding pagsubok ang Strong Group bago masikwat ang korona dahil makakaharap nito sa finals ang reigning champion Al Riyadi.

Wala pa ring talo ang Al Riyadi na nagtala ng 83-73 panalo sa Al Ahli Tripoli-Libya sa hiwalay na semis game.

Target ng Strong Group na makaresbak sa Al Riyadi na siyang tumalo sa kanila sa quarterfinals noong nakaraang taon.

vuukle comment

MVP

STRONG GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with