^

PSN Palaro

Golden Lady Booters igagawad sa Filipinas sa PSA Awards

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Bibigyang-pugay ang Philippine women’s football team matapos ang matagumpay na kam­panya nito sa nakalipas na taon partikular na sa prestihiyosong FIFA Women’s World Cup.

Gumawa ng kasaysayan ang Filipinas nang makapasok ito sa FIFA World Cup na ginanap sa New Zealand at Australia.

Ngunit mas lalo pang nagningning ang Filipinas nang maitarak nito ang kauna-unahang panalo nito sa world meet matapos sorpresahin ang co-host New Zealand sa pamama­gitan ng 1-0 panalo.

Bigo man na makapasok sa knockout stage ang Filipinas, umuwi ito nang nakataas ang noo dahil sa kasaysayang ginawa nito sa FIFA World Cup.

Kaya naman karapat-dapat na parangalan ang Filipinas ng ‘Golden Lady Booters’ Special Award sa San Miguel Corporation-PSA Annual Awards Night na idaraos sa grand ballroom ng Diamond Hotel sa Enero 29.

Makakasama ng Filipinas sa mga gagawaran ng parangal si Ernest John Obiena na bibigyan ng Athlete of the Year award sa programang suportado ng ArenaPlus,Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, PLDT/Smart at Milo.

Kikilalanin din ang mga medalist sa 19th Asian Games na ginanap sa Hangzhou, China at 2023 Southeast Asian Games na idinaos naman sa Cambodia.

Kasama rin sa mga awardees ang medalists sa Asean Para Games at Asian Para Games sa event na suportado rin ng Philippine Basketball Association, Premier Volleyball League, Rain or Shine, at 1-Pacman Partylist ni Rep. Mikee Romero.

Nakapasok sa FIFA World Cup ang Filipinas matapos umabot sa semifinals ng AFC Women’s Asian Cup noong 2022.

vuukle comment

FIFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with