Hollis-Jefferson brothers isasalang ng TNT sa EASL
MANILA, Philippines — Magtatambal ang mag-utol na Rondae at Rahlir Hollis-Jefferson sa pagsagupa ng TNT Tropang Giga sa bisitang Taipei Fubon Braves sa 2023-2024 East Asia Super League.
Lalabanan ng Tropang Giga ang Braves ngayong alas-7 ng gabi sa Sta. Rosa Sports Complex sa Laguna.
May 0-4 record ang TNT sa Group A ng eight-team EASL tournament.
Pinalitan ni Rahlir si Quincy Miller para itambal sa kanyang nakababatang kapatid na si Rondae Hollis-Jefferson.
Si Rahlir ay naglaro sa Europe, Canada at maging sa NBA G-League.
Unang naglaro ang Tropang Giga sa Pilipinas kontra sa Chiba Jets kung saan sila nakatikim ng 66-75 kabiguan.
Gusto ring makaganti ng TNT sa Taipei, may 1-2 kartada, na tumalo sa kanila, 97-106, sa Taipei homecourt.
“I’m just showing him (Rahlir) what he is going to have to do when he comes out here, be aggressive, be a team player, play really good defense, and be a leader,” ani RHJ sa kanyang kuya.
- Latest