^

PSN Palaro

Perpetual reresbakan ang Beda

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Perpetual reresbakan ang Beda
Tinangkang supalpalin ni Prince Eze ng Perpetual si Donald Tankoua ng San Beda habang nakaabang sina Altas Rommel Mangalino at Kim Aurin sa ope­ning ng NCAA men’s basketball.
Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Puntirya ng University of Perpetual Help System DALTA ang ikatlong dikit na ratsada para palakasin ang tsansa sa Final Four.

Makakatapat ng Altas ang San Beda University Red Lions ngayong alas-3:30 ng hapon matapos ang laro ng Lyceum of the Philippines University Pirates at College of St. Benilde Bla­zers sa ala-1:30 ng hapon sa second round ng NCAA Season 99 men’s basketball tournament sa FilOil Centre sa San Juan City.

Okupado ng Mapua University ang unahan hawak ang 11-3 baraha sa itaas ng Lyceum (10-3), St. Benilde (9-4), San Beda (8-4), Jose Rizal University (8-6), Emilio Aguinaldo College (7-7), Perpetual (6-7), San Sebastian (5-9) at mga talsik nang Arellano (2-11) at ‘three-peat’ champions Letran (1-13).

Nauna nang tinakasan ng Red Lions ang Altas, 62-60, sa first round noong Oktubre 17.

Nagmula ang Perpe­tual sa 81-74 pagsibak sa Arellano habang pinadapa ng San Beda ang EAC 81-71, sa kani-kanilang huling laro.

Sinabi ni Perpetual coach Myk Saguiguit na malaki ang kontribusyon sa kanila ni Altas alumna at PBA MVP Scottie Thompson ng Barangay Ginebra.

Samantala, magtatapos ang ratsada ng isa sa Pirates at Blazers sa kanilang duwelo.

Nasa four-game winning streak ang Lyceum na nagmula sa 85-79 paggupo sa Letran habang umiskor ang St. Benilde ng 84-81 panalo sa Jose Rizal para sa five-game winning run.

vuukle comment

DALTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with