^

PSN Palaro

MVP, RSA pinarangalan ang Gilas

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
MVP, RSA pinarangalan ang Gilas
Manny V. Pangilinan
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Binigyang-pugay nina PLDT chairman Manny V. Pangilinan (MVP) at San Miguel Corporation (SMC) president Ramon S. Ang (RSA) ang Gilas Pilipinas matapos ang makasaysa­yang gold-medal campaign sa Asian Games sa China.

Sa isang pambihirang okasyon ay pinuri at pinarangalan ng dalawang big bosses at Philippine sports patrons ang mga miyembro ng national team na wina­kasan ang 61-taong gold medal drought sa Asiad.

“Nagpasalamat si Mr. Ang and Mr. Pangili­nan sa buong team sa sak­ripis­yong ibinigay nila para makamit ang gintong medalya,” ani PBA Commissioner Willie Marcial, na nagsilbing deputy team manager ng Gilas sa Asiad.

Wagi ang Gilas sa Asian Games matapos ang 77-76 comeback win kontra sa  host na China sa semifinals at 70-60 panalo kontra sa Jordan sa finals.

Mismong sina Gilas team manager Alfrancis Chua, sports director ng SMC, at Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio ang nag-presenta ng gintong medalya kina MVP at RSA.

Dumalo sa pagtitipon sina Scottie Thompson at Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra, CJ Perez, June Mar Fajardo, Chris Ross at Marcio Lassiter ng San Miguel, Calvin Oftana ng TNT pati na si Chris Newsome ng Meralco.

Swak din sa parangal sina Kevin Alas ng NLEX at Arvin Tolentino ng NorthPort at sina naturalized players Justin Brownlee at Ange Kouame lang ang wala muna.

Hindi rin nakapunta si head coach Tim Cone dahil sa masamang pakiramdam subalit kumpleto ang coaching staff niya tampok sina Jong Uichico, Richard del Rosario, LA Tenorio at Josh Reyes.

vuukle comment

PLDT

RSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with