Kampo ni Obiena pinag-aaralan ang isasampang kaso kay Lavillenie
MANILA, Philippines — Hindi pa nakakapagdesisyon ang kampo ni World No. 2 pole vaulter Ernest John Obiena kung sasampahan ng kaso si Anais Lavillenie.
Si Lavillenie ay asawa ni 2012 London Olympics champion Renaud Lavillenie na nag-akusa kay Obiena na gumagamit ng banned substances.
“We are still in discussions with attorneys in both France and the Philippines. There is no conclusion or decision at this point,” pahayag ni Jim Lafferty, ang adviser ni Obiena, sa media.
“But, we’re keeping that option open and evaluating the pros and cons of it,” dagdag nito.
Mariing itinaggi ng 27-anyos na Asian at Southeast Asian Games record-holder na gumamit siya ng banned substance sa kanyang mga panalo.
Ayon kay Lafferty, pinag-uusapan pa nila ang mga bagay kaugnay sa pagsasampa ng kaso laban kay Anais Lavillenie.
Ito ay dahil sa papalapit na 2024 Olympic Games sa Paris, France kung saan may tiket na si Obiena.
“We’d like to remember, this is an Olympic year, and there are many considerations that are involved in the legal route. It’s still under evaluation,” wika ni Lafferty sa kanilang plano ni Obiena.
- Latest