^

PSN Palaro

‘Di qualified’ na pambato sa ISSF imbestigahan — Chavit

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
âDi qualifiedâ na pambato sa ISSF imbestigahan â Chavit
Gov. Chavit Singson at Raul Arambulo

MANILA, Philippines — Nanawagan si dating Philippine National Shoo­ting Association (PNSA) president Luis “Chavit” Singson ng imbestigasyon sa di umano’y pagsama ng hindi qualified na pambato sa kampanya ng bansa sa nagdaang International Shooting Sport Federation (ISSF) World Cup sa Lonato del Garda, Italy.

Ayon kay Singson na nagsisilbi ding chairman emeritus ng PNSA ay hindi katanggap-tanggap ang aniya’y pagsali ng “unqualified” shooters” kahit mas marami sana ang kwalipikadong kumatawan sa bayan.

“Being the past president of the PNSA, nabo-bother kami na nagpapadala sila ng hindi qualified. Nakakahiya kasi tayo kung kulelat ‘yung pinapadala. Okay lang kung qualified baka minalas lang pero hindi qualified eh. May qualification at qualifying score ‘yan,” ani Singson sa ginanap na press confe­rence sa kanyang tahanan sa Corinthians Garderns sa Quezon City.

Ilan sa mga di umano’y unqualified shooters ay sina Jake Ancheta at Erique Paul Apolinario na nagtapos sa huling dalawang puwesto ng 158-player World Cup skeet competition sa Italya noong Hulyo.

Wala raw aniya sa qualifying score na 112 sa kahit anong local tournament si Ancheta, na DNF (Did not finish) pa sa torneo, habang maski isang beses ay hindi nakasali sa local qualifiers si Apolinario kaya ipinagtataka nila kung bakit napasali sa national team at nakapaglaro pa sa World Cup.

Humihingi ngayon ng masusing pag-aaral mula sa Philippine Olympic Committee (POC) at kung sakali sa Kongreso si Singson at ang kanyang kampo kasama si dating national shooter Raul Arambulo kung paano nangyari ang insidente na mauulit pa sa Asian Games tampok ulit si Ancheta bilang isa sa delegasyon.

Sa naturang Philippine shooting delegation sa Asiad ay ni wala nga ang rising star na si 22-anyos Carlo Valdez na siyang nanguna sa karamihan ng local qualifiers ng air pistol sahog pa ang impresibong Top 10 finish sa iba’t ibang international tournaments.

PNSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with