^

PSN Palaro

Serbians sa finals ng FIBA World Cup Canadians sinibak sa semis

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Serbians sa finals ng FIBA World Cup Canadians sinibak sa semis
Ang dumadagundong na two-handed dunk ni Serbian center Nikola Milutinov laban sa Canada sa FIBA World Cup semifinals.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Matapos ang siyam na taon ay nakabalik ang mga Serbians sa World Cup Finals.

Kumamada si Bogdan Bogdanovic ng 23 points kasama ang tatlong three-point shots para akayin ang Serbia sa 95-86 paggupo sa Canada sa kanilang semifinals duel kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Huling naglaro ang mga Serbians sa World Cup Finals noong 2014 kung saan sila minasaker ng United States, 92-129, na idinaos sa Spain.

Nag-ambag sina Ognjen Dobric at Nikolai Mulitinov ng tig-16 mar­kers habang may 12 at 10 points sina Marko Guduric at Aleksa Avramovic, ayon sa pagkakasunod.

Sasagupain ng Serbia para sa gold medal ang mananalo sa semis game ng Team USA at Germany bukas ng alas-8:30 ng gabi.

“Either it will be USA or Germany, we’re going to prepare as best as we can and we’ll go out and give our everything to make our country happy, to make our families happy and our country proud,” ani Avramovic.

Naglaro ang Serbia na wala si NBA MVP Nikola Jokic ng NBA champions Denver Nuggets.

Makikipag-agawan ang Canada para sa bronze medal sa mamalasin sa semis duel ng USA at Germany.

Pinamunuan ni RJ Barrett ang mga Canadians sa kanyang 23 points at may 16, 15 at 10 markers sina Dillon Brooks, Shai Gilgeous-Alexander at Nickeil Alexander-Walker, ayon sa pagkakasunod.

Ang Serbia ang kumontrol sa laro kung saan nila kinuha ang 52-39 halftime lead na naputol ng Canada sa 45-54 sa third period sa likod nina Brooks, Barrett at Gilgeous-Alexander.

Muling nakalayo ang mga Serbians, 75-63 sa pagtiklop ng naturang yugto hanggang iposte ang 95-79 bentahe sa huling 2:13 minuto ng final canto galing sa layup ni Bogdanovic.

vuukle comment

WORLD CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with