^

PSN Palaro

Dragons ‘di na sasali sa PBA Commissioner’s Cup

JBulanday - Pilipino Star Ngayon
Dragons ‘di na sasali sa PBA Commissioner’s Cup
Kobe Lam Lam rifled in 30 points spiked by eight triples.
PBA Images

MANILA, Philippines — Mukhang hindi na matutuloy ang Bay Area Dragons sa ikalawang salang sa PBA bilang guest team.

Ayon sa mga ulat, nabuwag na ang Dragons matapos pakawalan ang lahat ng kanilang mga players.

Na-terminate na ang kontrata ng mga Dragons players na inihayag ng team sa isang online meeting bagama’t hindi pa naglalabas ng official announcement ang Bay Area na nakabase sa Hong Kong.

Ayon naman sa PBA, wala pang abiso ang Bay Area sa kanila tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng koponan para sa 2023 Commissioner’s Cup sa Oktubre.

Bago ang biglaang pagkabuwag ng koponan ay kakahayag lang ng Dragons ang pagpapapirma ng limang bagong players sa pamumuno ni Oliver Xu ng Hong Kong Eastern at ang retention ng core tampok sina Glen Yang, Duncan Reid, Kobey Lam, Zhu Song­wei at Hayden Blankley.

Kagagaling lang ng Dragons sa runner-up finish sa PBA Comm’s Cup matapos ang pagkatalo sa Barangay Ginebra sa Game 7 tampok ang record-breaking crowd na 54,589 fans sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Bumida sa Dra­gons ang imports na sina Andrew Nicholson at Myles Powell sa gabay ni Brian Goorjian na head coach din ng Australia sa 2023 World Cup.

Bukod sa PBA ay nakatakda ring sumali ang Bay Area sa unang full season home-and-away format ng EASL matapos ang bronze-medal finish sa EASL Champions Week sa Japan.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with