^

PSN Palaro

Erram out na sa Gilas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Erram out na sa Gilas
Poy Erram of TNT (left) and Rafi Reavis of Magnolia will play key roles in the best-of-seven finals beginning tonight in Bacolor, Pampanga.
PBA Image

MANILA, Philippines — Nabangasan na naman ang Gilas Pilipinas ilang linggo bago ang pagbubukas ng FIBA World Cup sa Agosto 25 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Lumabas sa ilang ulat na hindi na makalalaro pa si Poy Erram na may iniin­dang injury sa kanyang tuhod.

Nadiskubre sa pagsusuri na namamaga ang tuhod nito at nangangaila­ngan na ng agarang atensiyong medikal para hindi na lumala pa.

Posibleng sumalang ito sa operasyon na nanga­ngailangan ng ilang buwan na pahinga.

Dahil dito, hindi na ma­ka­lalaro si Erram sa FIBA World Cup at posible rin sa ilang laro ng Talk ’N Text sa nakatakdang pagbubukas ng PBA season.

Nauna nang nawala sa Gilas si reigning PBA MVP Scottie Thompson na nagtamo ng injury sa kamay.

Gayunpaman, masu­werte ang Gilas dahil mala­lim ang pool nito.

Inaasahang papalit sa puwesto ni Thompson si CJ Perez na sinubukan na ni head coach Chot Reyes na maging point guard ng Gilas sa pocket tournament sa Guangdong, China.

May ilang bigmen din na nakalinya sa Gilas kapalitan ni Erram gaya nina June Mar Fajardo at Japeth Aguilar.

Papasok na rin sa trai­ning camp si Kai Sotto na sumasailalim pa sa rehabilitasyon mula sa kanyang back injury.

Dagdag na puwersa pa ang pag-entra ni NBA star Jordan Clarkson na duma­ting na sa Maynila noong Martes.

vuukle comment

FIBA

GILAS PILIPINAS

POY ERRAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with