^

PSN Palaro

Pinoy Spikers inupuan ang No. 56 spot sa world rankings

Pilipino Star Ngayon
Pinoy Spikers inupuan ang No. 56 spot sa world rankings
PNVF president Ramon ‘Tats’ Suzara

MANILA, Philippines — Mula sa pagiging No. 167 ay pumaimbulog ang Philippine national men’s volleyball team sa No. 56 batay sa pinakabagong International Volleyball Federation (FIVB) world rankings.

Nagmula ang pag-akyat sa ranggo ng mga Pinoy spikers sa dalawang dikit nilang arangkada sa kasalukuyang 2023 Asian Volleyball Confederation (AVC) Challenge Cup for Men sa Taipei.

“This is one big, major achievement for our men’s indoor volleyball team,” sabi kahapon ni Philippine National Volleyball Fe­deration (PNVF) president Ramon “Tats” Suzara.

Isa lamang ang Pilipinas sa tatlo sa mga 222 FIVB member nations na tumaas ang posisyon sa world rankings bukod sa Macau na nasa No. 58 mula sa No. 165 at ang Mongolia na nasa No. 59 buhat sa No. 164.

“This is by far the most significant accomplishment by our men’s team and the PNVF just under three years into its establishment as the national federation,” dagdag ni Suzara.

 Giniba ng Nationals ang Macau, 25-21, 25-15, 25-14, noong Linggo at ang Mongolia, 22-25, 25-21, 26-24, 23-25, 15-12, noong Lunes patungo sa final 12 ng AVC Challenge Cup for Men.

Yumukod naman sila sa Bahrain, 20-25, 17-25, 23-25, kahapon ng umaga.

INTERNATIONAL VOLLEYBALL FEDERATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with