^

PSN Palaro

Ravena muling pumirma ng one-year extension sa San-En

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
Ravena muling pumirma ng one-year extension sa San-En
Thirdy Ravena

MANILA, Philippines — Hindi pa uuwi sa Pilipinas si Thirdy Ravena.

Mananatili ang 26-an­yos na si Ravena sa Japan matapos lumagda ng isang one-year extension sa San-En NeoPhoenix para sa kampanya sa B.League.

Patuloy na isusuot ni Ra­vena ang uniporme ng San-En sa darating na B.League 2023-24 season.

Kumamada si Ravena ng mga averages na 11.5 points, 4.9 rebounds at 4.3 assists per game sa naka­raang B.League season.

“Hopefully, I become a better player in order to help the team, win more games and hopefully make it to the playoffs and win a championship,” sabi ni Ravena.

Ito ang kanyang ikaapat na taon para sa NeoPhoenix na tanging koponang pinag­laruan niya sa Japanese league.

Ang dating kamador ng Ateneo Blue Eagles sa UAAP ang unang Pinoy player na pumasok sa Asian Player Quota system kasunod ang mga non-Ja­panese imports.

Muli ring pumirma ng kon­trata si Dwight Ramos, ang teammate ni Rave­na sa Gilas Pilipinas, sa Le­vanga Hokkaido

Bukod kina Ravena at Ramos, ang iba pang si­kat na Pinoy imports sa B.League ay sina Kiefer Ra­vena, Kai Sotto, Bobby Ray Parks Jr., Robert Bolick, Matthew Wright, Greg Slaughter at Carl Tamayo.

THIRDY RAVENA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with