^

PSN Palaro

Dela Rosa nanawagan para sa responsableng pagmamay-ari ng baril

Pilipino Star Ngayon
Dela Rosa nanawagan para sa responsableng pagmamay-ari ng baril
Si Sen. Ronald 'Bato' Dela Rosa habang sinusuri ang baril sa 29th AFAD Defense and Sporting Arms Show sa SMX Convention kahapon.

MANILA, Philippines – Ipinanawagan ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang responsableng pagmamay-ari ng baril kasabay ng pakikiisa niya sa Association of Firearms and Ammunition Dealers, Inc. (AFAD) sa paglaban sa loose firearms at gun safety.

Si Dela Rosa ang na­ging special guest sa pagbubukas ng 29th AFAD Defense and Spor­ting Arms Show sa SMX Con­vention sa Pasay City noong Huwebes.

“Dapat patuloy nating turuan ang ating mga netizen tungkol sa pagmamay-ari ng baril,” wika ng Senador. “Ating i-propagate nang husto ang responsible gun ownership. Kung lahat tayo ay magiging responsable, mas marami ang magiging miyembro ng ating society na may-ari ng baril hindi lang mga simpleng hobbyist at sportsmen.”

Kinikilala rin ni Dela Rosa ang kontribusyon ng industriya ng armas hindi lamang para sa paglikha ng mga trabaho para sa mga Pilipino kundi maging sa paglago ng ekonomiya sa pangkalahatan.

Ang anak na babae ng dating Philippine National Police (PNP) Chief at manugang ay pawang mga champion shooters.

Nagpasalamat si AFAD president Alaric Topacio kay Dela Rosa at sa iba pang mambabatas at iba’t ibang ahensyang nagpapatupad ng batas sa patuloy na pagsuporta sa industriya at pagtulong sa lokal na tagagawa at importer.

“Ilang manggagawa ang nakikinabang sa industriya na ito. Mula sa paggawa ng piyesa, accessories and paraphernalia. Iyong mga importer natin hindi biro ang ibinabayad nilang tax. Kung gumaganda ang industriya susunod ang ekonomiya,” ani Dela Rosa.

“Nangunguna sa misyon ng AFAD ay turuan ang bawat Pilipino hindi lamang ang mga hobbyist, sportsman at private gun owners kung paano maging responsableng may-ari ng baril,” wika ni Topacio.

Idinagdag ng AFAD chief na bukod sa mga karaniwang aktibidad sa pag-renew ng mga lisensya at aplikasyon para sa mga bagong rehistradong may-ari ng baril ay nag-aalok din sila ng mga seminar tungkol sa kaligtasan ng baril, pagtatanggol sa sarili, seguridad at responsableng pagmamay-ari ng baril.

Magtatapos ang five-day event sa Lunes at nag-aalok ng malalaking diskwento sa produkto mula sa mga exhibitors tulad ng Stronghand Incorporated, Final Option Trading Corporation, Force Site Inc, Lynx Firearms and Ammunition; Tactical Precision Trading, Armscor Shooting Center, Defensive Armament Resource Corp., Topspot Guns and Ammo, Lordman Leathercraft Guns and Ammo, True Weight, Tactics SOG Industries Inc., Trust Trade, at PB Dionisio and Co., Inc. 

Kasama rin sa palabas ang Tactical Corner Inc, Squires Bingham Intl./Armscor, Shooters Guns and Ammo Corp., Nashe Enterprises, Willi Hahn Enterprises, Metro Arms Corporation, R. Espineli Trading, Imperial Guns, Ammo & Accessories, Lock and Load Firearms at Sporting Goods, Pascual Gun Works, Metro Sporting Arms Show, Santiago Fiberforce, Jordan Leather at Gen. Mdse, Magnus Sports Shop, Speededge, Inc, Greyman Elite, Inc., Bonanza/Icarus Shirts, CBX Trading at General Merchandize.

AFAD

SENATOR BATO DELA ROSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with