^

PSN Palaro

National BiFin swimming team dapat itaguyod- Buhain

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naniniwala si Congress of Philippine Aquatics, Inc. (COPA) president at Batangas 1st District Rep. Eric Buhain na malaki ang tsansa ng mga Pinoy na umangat sa BiFin swimming.

Ito ay matapos luma­ngoy ng silver medal si Pa­larong Pambansa champion Alexi Cabayaran sa women’s 200-meter breaststroke sa bilis na 1:56.49 sa likod ni gold medal winner Muyni Kaing (1:51.69) ng Cambodia.

Bagong tatag lamang ang National BiFin swimming team, ayon kay Buhain.

“Maganda ang future natin sa BiFin and the recent campaign of our team in Cambodia proved that. Kahit maiksi lang ang na­ging preparation may contribution sila sa delegation,” sabi ng two-time Olympian.

Ang eight-man BiFin national squad na sinuportahan ng Espinelli Trading ay nakapasok sa finals sa kani-kanilang event .

“Ang pagpapataas ng kamalayan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga regular na aktibidad at mahikayat ang lahat ng swimming club, grupo at organizer na isama ang BiFin sa kanilang mga programa at torneo isang malaking tulong para sa sports,” ani Buhain.

Sa kasalukuyan ay nai­sa­ma na ng COPA ang BiFin event sa kanilang prog­rama ng lahat ng torneo.

Ang 15-anyos na si Alexi ng Silay City, Negros Occidental ay isa sa napili mula sa mga lumahok sa isinagawang Visayas tryouts na inorganisa ng COPA noong Pebrero sa Bacolod City.

Sa isang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Fin Swimming Federation, ang COPA ay naatasang magdaos ng national tryouts para pumili, magbuo at magsanay sa koponan para sa SEAG.

Nakatakdang tumanggap si Cabayaran ng P150,000 cash incentives mula sa gobyerno sa ilalim ng Incentive Act.

COPA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with