^

PSN Palaro

Gilas men’s 3x3 team ligwak sa Iran sa Asia Cup

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tumiklop ang Gilas Pilipinas 3x3 sa dulo at nalasap ang 11-14- ka­bi­guan sa Iran sa pag-dribol ng 2023 FIBA 3x3 Asia Cup kahapon sa Singapore.

Nilustay ng No. 4 Natio­nals ang kalamangan sa end game na sinamanta­la ng No. 12 Iran para sa comeback win sa Pool D action ng 12-team Asian con­tinental tilt.

Kontrolado ng Gilas ang laban at nakapagtayo ng 11-7 bentahe sa huling 1:28 ng laro subalit nangitlog na buhat doon tungo sa 0-1 kartada sa Pool D.

Malaking dagok ito sa kam­panya ng Gilas dahil tanging ang Top Two teams lang ang aabante sa knockout quarterfinals kaya kinakailangang manalo sa huling laban sa Qatar.

Bumida sa Gilas si Bran­don Bates sa naiposte ng 5 points at 4 rebounds, habang may 4 at 2 mar­kers sina Almond Vosotros at Jorey Napoles, ayon sa pagkakasunod.

Umabot ang Gilas sa se­mifinals para sa best fi­nish sa Asian 3x3 history noong nakaraang edisyon sa likod ng game-winner ni Vosotros sa quarterfinals kontra sa No. 1 Mongolia.

Samantala, lalabanan na­man ngayong hapon ng No. 9 Gilas wo­men’s 3x3 team ang No. 1 China at No. 7 Iran sa Pool A.

3X3

GILAS PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with