Lakers diniskaril ang pagbabalik ni Curry
LOS ANGELES — Nagsalpak si Anthony Davis ng 39 points, kasama ang 12 sa fourth quarter, para gabayan ang Lakers sa 113-105 panalo sa nag dedepensang Golden State Warriors.
Ito ang ikatlong pagkakataon ngayong season na umiskor si Davis ng mahigit sa 39 points para sa Los Angeles (31-34) na naglaro na wala si LeBron James (foot tendon injury).
Nagdagdag si Austin Reaves ng 16 points, habang may 14 markers si Troy Brown, Jr.
Nagwakas naman ang five-game winning streak ng Golden Sate (34-31) na itinampok ang pagbabalik ni Stephen Curry.
Nagkaroon si Curry ng left leg injury at hindi sumalang sa 11 laro ng defending champions.
Iniskor niya ang 19 sa kanyang 27 points sa fourth quarter kung saan sila nakadikit sa Lakers sa 101-103 sa huling 1:46 minuto sa fourth period.
Ang dalawang free throws at floater n Davis ang muling nagtaas sa Los Angeles sa 107-101 sa natitirang 48.9 segundo.
Sa Dallas, kumamada si Kevin Durant ng 37 points, kasama ang go-ahead jumper, sa 130-126 pagdaig ng Phoenix Suns (36-29) sa Mavericks (33-32).
Sa Chicago, tumipa si Tyrese Haliburton ng 29 points, tampok ang triple sa huling 2.7 segundo, sa 125-122 pagtakas ng Indiana Pacers (29-36) sa Bulls (29-36).
Sa Boston, humataw si Immanuel Quickley ng career-high na 38 points para sa 131-129 double overtime victory ng New York Knicks (39-27) kontra sa Celtics (45-20).
- Latest