^

PSN Palaro

HD Spikers nakatakas sa Flying Titans

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
HD Spikers nakatakas sa Flying Titans
Dinepensahan nina Deanna Wong at Chery Nunag ng Choco Mucho ang kill ni Rachel Anne Daquis ng Cignal.
Kuha ni Russell Palma

Nasawata ng Cignal ang paghahabol ng Choco Mucho para maitakas ang 25-14, 25-11, 19-25, 17-25, 15-11 pahirapang panalo kahapon sa 2023 Premier Volleyball League All-Filipino Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

Isang solidong block ang nagawa ni team captain Rachel Anne Daquis sa huling sandali ng laro para tulungan ang HD Spikers na makuha ang ikalawang panalo.

“Lagi ko lang nireremind yung team namin na gusto namin ito, pagta-trabahuhan namin ito ilalaban namin. Yun yung naging mindset sa amin. Ayaw namin na mada-down yung isa. Nag work kami as a team, team effort ito,” ani Daquis.

Umangat ang Cignal sa 2-4 para manatiling buhay ang pag-asa nito sa semifinals.

“Alam naman namin na magiging matindi talaga ang labanan dahil alam namin kung paano gumalaw ang Choco Mucho. Happy ako sa team namin dahil maganda ang ginalaw namin, naka survive kami namaintain namin yung good attitude namin,” ani Cignal head coach Shaq delos Santos.

Nagrehistro si Daquis ng kabuuang 17 puntos mula sa 14 attacks at tatlong blocks kasama ang 10 digs habang nakatuwang nito si outside hitter Ces Molina na nagbigay naman ng 17 markers at 16 receptions.

Kumana si middle blocker Roselyn Doria ng 15 puntos tampok ang apat na aces habang may sariling 15 hits ai Claudine Trongcoso.

Nagtala si Riri Meneses ng 10 puntos samantalang may 18 excellent sets at apat na puntos si playmaker Gel Cayuna.

Bumagsak naman ang Flying Titans sa 2-3 baraha.

Hindi nakapaglaro si top libero Denden Lazaro-Revilla para sa Flying Titans dahil masama ang pakiramdam nito.

CIGNAL

RACHEL ANNE DAQUIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with