Danny L. muling maglalaro

Nakakagulat, pero totoo.
Matapos ang walong taong pagkawala sa aksyon ay muling tatapak sa hardcourt si two-time PBA Most Valuable Player Danny Ildefonso para maglaro sa Converge sa 2023 PBA Governors’ Cup.
Ito ay dahil muli siyang paglalaruin ng FiberXers mula sa pagiging deputy coach ni mentor Aldin Ayo para kumpletuhin ang kanilang 15-man roster sa season-ending conference.
Unang sasalang si Ildefonso sa pagharap ng Converge sa Meralco ngayong alas-3 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.
Nagretiro ang 46-anyos na si Ildefonso noong 2015 matapos maglaro para sa Meralco kasunod ang pagkuha sa kanya bilang deputy coach sa Alaska at sa Converge.
Pinili ng Formula Shell bilang No. 1 overall pick noong 1998 PBA Draft, nakuha ng San Miguel si Ildefonso mula sa isang trade.
- Latest






















