^

PSN Palaro

Key players ng Lebanon out sa 6th window

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi maglalaro ang ilang key players ng Lebanon sa sixth window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers na hahataw bukas sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Wala sa lineup si top player Wael Arakji gayundin sina Ali Haidar, Jonathan Arledge, Ater Majok at Antiguan-Lebanese big man Norvel Pelle.

Maganda ang rekord ni Arakji sa qualifiers dahil hawak nito ang averages na 16.8 points, 3.8 rebounds, 2.8 assists at 1.3 steals.

Ngunit wala nang bea­ring ang mga laro ng Lebanon sa 6th window dahil nakasisiguro na ito ng tiket sa FIBA World Cup na idaraos din sa Pilipinas sa Agosto.

Kaya naman nagpasya ang pamunuan ng Lebanon basketball associaton na pagpahingahin muna ang ilang players nito upang mapaghandaan ang  mas malaking laban na haharapin nito sa Agosto.

Sa halip, isasabak ng Lebanon ang ilang players nito gaya nina Sergio El Darwich at Hayk Gyokchyan para mabigyan ng exposure.

Kasama rin sina Amir Saoud, Karim Zeinoun, Jad Khalil, Ali Mansour, Ali Mezher, Jean Marc Jarrouj, Marc Khoueiry, Gabriel Salibi, Gerard Hadidian at Naim Rabay.

Gayunpaman, hindi pa rin basta-basta ang mga nasa lineup ng Lebanon.

Hawak ni El Darwich ang averages na 11.2 points, 3.7 rebounds, at 3.7 assists na inaasahang hahataw para sa kanilang tropa.

FIBA WORLD CUP ASIAN QUALIFIERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with