^

PSN Palaro

Tatum gumawa ng All-Star Game record  sa panalo ng Team Giannis sa Team LeBron

Pilipino Star Ngayon
Tatum gumawa ng All-Star Game record  sa panalo ng Team Giannis sa Team LeBron
Isinalpak ni Jayson Tatum ang isang two-handed dunk sa panalo ng Team Giannis laban sa Team LeBron sa 2023 NBA All-Star Game.

SALT LAKE CITY  Tama ang naging desisyon ni team captain Giannis Antetokounmpo na kunin si Jayson Tatum sa kanyang koponan.

Nagpasabog si Tatum ng Boston Celtics ng isang All-Star record na 55 points para akayin ang Team Giannis sa 184-175 pagsapaw sa Team LeBron James sa 72nd NBA All-Star Game kahapon.

Ang 27 markers ni Tatum sa third quarter ay isa ring All-Star Game record para sa anumang yugto at siya ang first pick ni Antetokounmpo sa starters’ portion ng All-Star draft.

Hinirang si Tatum bilang All-Star Game Most Valua­ble Player dahil sa pagsira niya sa NBA All-Star Game record na 52 points na iniskor ni Anthony Davis noong 2017.

Nag ambag si Donovan Mitchell ng 40 markers para sa Team Giannis at may 26 points si Damian Lillard — kasama ang game winner para makalampas sa target score.

Binanderahan ni Jaylen Brown ang Team LeBron sa kanyang 35 points at 14 rebounds habang nag lista si Kyrie Irving ng 32 points at 15 assists at umiskor si Joel Embiid ng 32 points.

Ito ang unang kabiguan ni James sa anim na laro bilang team captain.

Parehong hindi natapos nina James at ni Antetokounmpo ang laro dahil sa natamong injuries.

Nagkaroon si James ng bruised right hand sa kanyang chasedown block habang nauna nang nakalasap si Antetokounmpo ng right wrist sprain tatlong gabi na ang nakakalipas.

LEBRON

TATUM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with