^

PSN Palaro

Pogoy iniligtas ang Tropa sa Magnolia

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Pogoy iniligtas ang Tropa sa Magnolia
Ang layup ni Roger Pogoy ng TNT Tropang Giga laban kay Adrian Wong ng Magnolia.
PBA Image

MANILA, Philippines — Nalampasan ng TNT Tro­pang Giga ang pagba­ngon ng Magnolia mula sa 16-point deficit sa fourth pe­riod para tuhugin ang 93-85 panalo sa 2023 PBA Go­vernors’ Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipo­lo City.

Sinandigan ng Tropang Giga si Roger Pogoy sa fi­nal canto para iposte ang 3-1 record at inihulog ang Hotshots sa 0-2 kartada.

Tumapos si Pogoy na may 20 points, 5 rebounds, 3 assists at 3 steals, habang may tig-14 markers si­na import Jalen Hudson, Mikey Williams at Calvin Of­tana para sa TNT na iti­nayo ang 82-66 abante sa pagbungad ng fourth quarter.

Sa pamumuno nina Paul Lee at import Erik Mc­Cree ay nakalapit ang Mag­nolia sa 81-83 sa 4:53 minuto ng laro.

Isang 10-2 atake ang pi­namunuan ni Pogoy para muling itaas ang Tropang Gi­ga sa 93-83 sa huling 1:51 minuto ng sagupaan.

Tumapos si Lee na may 24 points tampok ang anim na triples para sa Hotshots at may tig-12 mar­kers sina McCree at Cal­vin Abueva.

Sa unang laro, humakot si import Cameron Clark ng 31 points at 14 re­bounds sa 122-102 paggi­ba ng San Miguel (3-0) sa Terrafirma (1-2).

Sumosyo ang Beermen sa NLEX Road Warriors sa ikalawang puwesto sa ilalim ng lider na Converge FiberXers.

May 30 points si import Jordan Williams para sa Dyip.

vuukle comment

PBA

ROGER POGOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with