^

PSN Palaro

Strong Group dinurog ang Libya

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walang awang tinambakan ng Strong Group Philippine ang Al Nasr Libya matapos itarak ang 93-76 panalo sa 32nd Dubai International Basketball Championship na nilaro sa Al Nasr Club, kahapon.

Dahil sa panalo ay malinis sa dalawang laro ang karta ng Strong Group.

Maagang uminit ang opensa ni BJ Andrade nang magtala ng tatlong treys sa unang apat na minuto sa first canto.

Nakalamang agad ng 18 puntos ang Strong Group, 24-6  may 3:50 minuto pa ang nalalabi sa first quarter.

Nakakuha ng malaking suporta si Andrade kina Shabazz Muhammad at Renaldo Balkman na tumikada ng 64% field kaya hindi na nakahabol ang Al Nasr.

Namuno sa opensa para sa Strong Group  si Muhammad, humarurot ito ng 26 points, pitong rebounds at dalawang assists, umabot pa hanggang 26 points ang kanilang naging bentahe.

Natapyasan sa siyam ang hinahabol ng Al Nasr pero hindi nasindak ang Strong Group at muli nilang nailayo ang iskor dahil sa tikas nina Andrade, Balkman at Muhammad.

Bumakas si Balkman ng 18 puntos mula sa 7-of-8 shooting kasama ang nine boards, four assists at tatlong steals habang tumulong si Sedrick Barefield ng 14 markers at apat na assists.

May siyam na puntos si Andrade mula sa 3-of-4 field sa 13 minutong paglalaro.

Sunod nilang makakalaban ang Al Wahda Syria.

vuukle comment

DUBAI INTERNATIONAL BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with