^

PSN Palaro

PSC nakatutok sa taong 2023

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
PSC nakatutok sa taong 2023
Nagdaos si Eala ng isang PSC-NSA consulta­tive meeting kung saa niya nakausap ang mga opis­yales ng 68 mula sa 74 na­tional sports associations (NSAs) noong Oktubre 13.
PSC / Facebook

MANILA, Philippines — Mula sa matagumpay na pagbabalik ng Batang Pi­noy National Cham­pionships sa Vigan, Ilocos Sur ay kumpiyansa si Phi­lip­­pine Sports Commission (PSC) chairman Noli Eala sa pagsasagawa ng ka­nilang mga programa sa taong 2023.

Higit sa 6,000 delegado mula sa 140 cities at muni­cipalities ang lumahok sa 17 sports na idinaos via face-to-face at virtual com­pe­titions.

Hinirang na overall champion ang Baguio City sa ikatlong sunod na edis­yon ng PSC-Batang Pinoy National Finals.

Bago ito ay hindi nag-ak­­saya ng oras si Eala ma­tapos iluklok ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. bilang PSC chairman.

Nagdaos si Eala ng isang PSC-NSA consulta­tive meeting kung saa niya nakausap ang mga opis­yales ng 68 mula sa 74 na­tional sports associations (NSAs) noong Oktubre 13.

Pinahalagahan ni Eala ang respeto sa pagitan ng PSC at mga NSAs at ang pagiging responsable sa paghawak ng mga ito ng pondo mula sa pamahalaan.

“We will establish a pathway to success beginning with the “Duyan ng Ma­giting” or the “Cradle of the Brave” at the grassroots level leading to the tweaked version of the Gintong Alay which we will call Project: Gintong Laban which is to be implemented at the elite level,” ani Eala.

Lalo ring patitibayin ni Eala ang magandang re­las­yon ng PSC at ng Philip­pine Olympic Committee (POC).

NOLI EALA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with