Nicholson magiging problema ng Gin Kings
MANILA, Philippines — Si Canadian import Andrew Nicholson ang numero unong pipigilan ng Barangay Ginebra sa kanilang championship series ng guest team na Bay Area.
Sa 94-92 pagsibak ng Dragons sa San Miguel Beermen sa Game Four ng kanilang semifinals duel ay humakot ang 6-foot-10 center ng 42 points at 21 rebounds.
Halos kalahati ng iskor ng guest team ay nagmula kay Nichoson na dating back-up ni Dwight Howard sa Orlando Magic sa NBA.
“We are keeping an eye out on Andrew Nicholson because he is an incredibly versatile player,” wika ni Gin Kings’ coach Tim Cone.
Si Nicholson ang ginamit ng Bay Area sa semis matapos magkaroon ng injury si 6’2 Amerian import Myles Powell.
“It will be Andrew Nicholson the whole way,” sabi ni Dragons’ mentor Brian Goorjian ukol sa kanyang desisyon.
Ito ay sa kabila ng paghataw ni Powell ng mga averages na 37.3 points, 8.4 rebounds, 3.0 assists at 2.0 steals sa kanyang walong laro sa PBA.
Hangad ng Dragons na maging unang foreign squad na nagwagi ng PBA crown matapos ang Nicholas Stoodley laban sa Toyota noong 1980 Invitational Championship.
- Latest