^

PSN Palaro

Gilas final lineup tinukoy na ng SBP

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas final lineup tinukoy na ng SBP
Kai Sotto
STAR / File

MANILA, Philippines — Pinangalanan na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang final lineup ng Gilas Pilipinas na sasabak sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na idaraos sa Nobyembre 10 at 13 sa Middle East.

Nangunguna sa lista­han si reigning PBA MVP Scottie Thompson kasama sina Ginebra teammates Japeth Aguilar at Jamie Malonzo, at San Miguel Beer standout CJ Perez.

Pasok din sina Japan B.League imports Bobby Ray Parks, Thirdy Ravena at Dwight Ramos gayundin sina naturalized player Angelo Kouame ng Ateneo de Manila University, Kevin Quiambao ng De La Salle University, at sina RR Pogoy, Calvin Oftana at Poy Erram ng Talk ’N Text.

Kasama rin sa listahan si Kai Sotto ng Adelaide 36ers.

Mula sa Australia, direkta nang magtutungo si Sotto sa Amman, Jordan.

Wala sa listahan si Kiefer Ravena na personal na nagpaalam na hindi muna ito maglalaro dahil sasailalim ito sa dental procedure.

Wala rin sina June Mar Fajardo, Chris Newsome, Carl Tamayo, Will Navarro, Arvin Tolentino at Francis Lopez.

Mapapalaban ang Gilas squad sa Middle East kung saan una nitong makakasagupa ang host Jordan sa Nobyembre 10 (Nob­yembre 11 ng mada­ling araw sa Maynila).

Sunod na makakasagupa ng Pinoy cagers ang Saudi Arabia sa Nob­yembre 13 (Nobyembre 14 ng madaling araw sa Maynila) sa Dammam, Saudi Arabia.

Parehong may 3-3 rekord ang Pilipinas at Jordan.

GILAS PILIPINAS

SAMAHANG BASKETBOL NG PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with