^

PSN Palaro

San Mateo dapa sa KalosPH-OLFU; Camarines Norte, AMA wagi rin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dinomina ng KalosPh-Our Lady Of Fatima ang MPAMS-San Mateo, 88-74, habang giniba ng Calaguas Gems-Camarines Norte ang ARS Warriors-Cavite, 71-64, sa Ballout Hoops Luzon Open Challenge sa University of Makati.

Umiskor sina Andrei Romero at Marvel Joy Jimenez ng pinagsamang 46 points para sa 3-2 record ng Our Lady of Fatima sa torneong itinataguyod ng One4BF, MDC, KalosPh, Chachago, Motolite, Details Avenue, Snazzy, Mighty Sports Apparel, Mt. Fuji Restaurant, Disenyo Footwear at Lana 300.

Nalasap ng San Mateo ang una nilang kabiguan matapos magposte ng 4-0 baraha.

Nasolo ng University of Makati ang liderato sa bitbit na 3-0 marka sa Luzon-wide tournament na pinamumunuan ni coaching legend Joe Lipa na tumatayong Commissioner.

Samantala, dumiretso ang Calaguas Gems-Camarines Norte sa kanilang ikalawang sunod na ratsada sa paggupo sa ARS Warriors-Cavite.

Humataw si Kinjhevam Manzanilla ng 21 points tampok ang apat na triples para sa Calaguas Gems-Camarines Norte.

Wagi rin ang AMA University QC laban sa Philippine Navy, 86-71.

HOOPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with