^

PSN Palaro

Team Philippines may pag-asa sa gold sa Vietnam SEAG

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Team Philippines may pag-asa sa gold sa Vietnam SEAG
Ito ay matapos payagan ng International Tennis Federation (ITF) ang bansa na magsalang ng mga atleta para sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam na nakatakda sa Mayo 12-23.
Stockphoto

MANILA, Philippines — May tsansa ang Pilipinas na makahugot ng gold medal sa lawn tennis.

Ito ay matapos payagan ng International Tennis Federation (ITF) ang bansa na magsalang ng mga atleta para sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam na nakatakda sa Mayo 12-23.

Sa kabila ito ng two-year suspension na ipinataw ng ITF sa Philippine Lawn Tennis Association (Philta) na tumangging magsagawa ng eleksyon para sa kanilang mga bagong opisyales.

“The POC is extending its gratitude to the ITF and ATF (Asian Tennis Federation) for allowing our players to see action in the SEA Games,” sabi kahapon ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

Pinatawan rin ng POC ng suspensyon ang Philta bilang pagsunod sa ITF.

Babanderahan nina Alex Eala at Fil-American Treat Huey ang nine-member national tennis team para sa Vietnam SEA Games.

Ang iba pang miyembro ay sina Jeson Patrombon, Francis Casey Alcantara, Reuben Gonzales, Eric Olivarez, Jr., Shaira Rivera, Jennayla Trulla at Marian Capadocia.

Nakalatag sa tennis competition ng Vietnam SEA Games ang men’s at women’s singles, doubles at team events.

Humataw ang mga Pinoy netters ng isang gold, isang silver at dalawang bronze medals noong 2019 Manila SEA Games.

LAWN TENNIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with