^

PSN Palaro

Tugawin sa Stage 7; Oranza lider pa rin

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Tugawin sa Stage 7; Oranza lider pa rin

BALER, Aurora, Philippines — Pinadyak ni Excellent Noodles rider Ryan Tugawin ang Stage 7 ng LBC Ronda Pilipinas 2022 habang nanatili sa individual overall lead si Ronald Oranza ng Navy Standard Insurance.

Nirehistro ng 32-anyos na si Tugawin ang apat na oras, 31 minuto at 16 na segundo sa 174.5 km na nagsimula sa Tarlac City at nagtapos sa Quezon Park malapit sa Municipal Plaza dito.

Habang pang-walong tumawid sa meta si Oranza, (4:32:18) sapat upang hawakan ang tuktok ng general classification sa kabuang 23:18:22 papasok ng Stage 8 ngayong araw.

“Tatlong stages pa, pero dalawa doon ay mahirap, kaya sunud-sunod  lang muna, aasahan ko bukas, (stage 8) ay magbabantayan kami tapos sa Baguio dun magkakaalaman,” saad ni 2019 Ronda champion Oranza.

Bukod  kay 29-anyos, Oranza ang dalawang pang siklista na inaasa­hang magbabantayan sa 174.4km Baler-Echague, Isabela Stage eight ay sina two-time champion Jan Paul Morales ng Excellent Noodles at Jonel Carcueva ng Go for Gold.

Nasa No. 2 spot ng GC si Morales, 36, may 42 segundo lang ang kanyang hinahabol kay Villasis, Pangasinan native, Oranza habang nasa No. 3 si Carcueva at dalawang minuto mahigit naman ang kanyang hahabulin.

RONDA PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with