Oranza handa na sa Stage 7
LUCENA City, Philippines — Sinamantala ni Navy Standard Insurance skipper Ronald Oranza ang isang araw na pahinga upang magpalakas sa paglarga ng Stage 7 180.4km Tarlac-Baler ngayong araw.
Naagaw ng 2019 Ronda champion na si Oranza ang overall lead matapos angkinin ang mahirap na Lucena - Tagaytay Stage 6 noong Martes.
Pagkatawid sa meta ng 29-anyos na si Oranza ay inalalayan siya ng mga LBC staffs pagkababa nito sa kanyang bisikleta dahil pinullikat ito.
Nabahala naman ang mga tagahanga ni Oranza nang makitang namimilipit sa sakit ng kanilang idolo.
Pero nahimasmasan sila (fans) ng sabihin ni Oranza na maigi na ang kanyang pakiramdam
“Ok na ako, pahinga lang at handa ako sa susunod na stage,” saad ng tubong Villasis, Pangasinan, na si Oranza.
Nakalikom si Oranza ng 18:46:04 matapos ang anim na stages sapat upang isuot ang Red Jersey na simbolo ng pagiging lider sa individual general classification.
Nasa second spot ng GC si two-time champion Jan Paul Morales ng Excellent Noodles na naghahabol ng 42 segundo kay Oranza.
Lumanding sa No. 3 ang nahubaran ng red jersey na si Jonel Carcueva, (18:49:01) ng Go for Gold sa karerang nakalaan ang P3.5M na ipamumudmod sa mga mananalo.
Samantala, hawak ng Navy Standard Insurance ang overall team classification.
- Latest