^

PSN Palaro

McCullough interesado pa rin sa Gilas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Desidido si dating NBA player Chris McCullough na maglaro suot ang Gilas Pilipinas jersey sa mga international tournaments kabilang na ang FIBA World Cup sa susunod na taon.

Muling inihayag ni McCullough ang intensiyon nitong lumaro sa Gilas Pilipinas sa kanyang social media account.

“I just need a chance that’s all,” ani McCullough kung saan nakatag ang official account ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Isang netizen ang nagtanong kung nais pa rin ni McCullough na maging naturalized player ng Gilas.

Agad namang tumugon si McCullough ng “Let’s ask @smartgilasph.”

Hindi na bago si McCullough sa sistema ng Philippine basketball dahil naging import na ito ng San Miguel Beer sa Philippine Basketball Association.

Malaki ang magiging kontribusyon nito sa Gilas Pilipinas dahil impresibo ang produksiyon nito.

Naglarong import si McCullough sa Taiwan kung saan nagtala ito ng averages na 22.6 points at 9.6 rebounds kasama pa ang 1.6 assists at 1.2 blocks kada laro.

At kung makalalaro si Filipino-American Jordan Clarkson bilang local player sa FIBA World Cup, tiyak na mas magiging solido ang Gilas Pilipinas sa naturang world meet.

Noong 2020 pa naki­pag-usap si SBP president Al Panlilio kay McCullough subalit simula noon, wala pa ring naging pagbabago sa usapan.

Sa halip, mas naunang naging naturalized player si Angelo Kouame na nga­yong taon lamang nabigyan ng Filipino citizenship.

vuukle comment

DESIDIDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with