^

PSN Palaro

Kai, 36ers rumesbak sa Taipans

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matikas ang pagresbak ng Adelaide 36ers nang pataubin nito ang Cairns Taipans sa bendisyon ng 82-71 demolisyon kahapon sa 2021-2022 Australia National Basketball League sa Adelaide Entertainment Center sa Australia.

May 12 minuto na nakapaglaro si 7-foot-3 Pinoy cager Kai Sotto kung saan nakapag-ambag ito ng limang puntos, limang rebounds at tatlong blocks.

Bumandera para sa 36ers si Daniel Johnson na may naitalang 18 puntos, siyam na rebounds, tatlong assists at dalawang blocks para sa Adelaide.

Nagdagdag pa si Mitch Mccarron ng 14 puntos, anim na boards, limang steals at apat na assists samantalang naglista si Sunday Dech ng 13 points, limang assists at tatlong rebounds.

Umangat ang 36ers sa 5-7 rekord para okupahan ang ikapitong puwesto.

Hindi maganda ang simula ng 36ers na nakabaon sa 8-23 iskor sa unang kanto.

Subalit matinding puwersa ang inilatag ng Adelaide sa mga sumunod na sandali kabilang ang 24-7 atake para maagaw ang kalamangan sa 32-30.

Mula noon, ay hindi na lumingon pa ang 36ers para makuha ang panalo.

vuukle comment

ADELAIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with