^

PSN Palaro

Bulldogs dedepensahan ang AUG crown

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dedepensahan ng National University ang korona nito sa 20th Asean University Games na idaraos sa Hulyo 26 hanggang Agosto 6 sa Ubon Ratchathani, Thailand.

Pormal nang nagsumite ng lineup  ang pamunuan ng NU sa mga organizers kung saan babandera sa 15-man pool si outside hitter Bryan Bagunas.

Kasama rin sina national team playmaker Joshua Retamar at Nico Almendras gayundin sina Kennry Malinis at foreign student-athlete Obed Mukaba.

Nasa listahan din sina Leo Aringo, Marc Bandola, Clarence Belostrino, Louis Lumanian, Leo Ordiales, Jann Sumagui, Rwenzmel Taguibulos, Michaelo Buddin, Jomar Ocampo at Marco Maciang.

Hahawakan ang tropani Bulldogs head coach Dante Alinsunurin.

Nakamit ng Bulldogs ang korona sa Asean University Games noong 2018 nang pataubin ang Thailand sa finals sa pamamagitan ng 27-25, 25-21, 22-25, 25-20 desisyon sa labang ginanap sa Naypyidaw, Myanmar.

Hindi nakapagsagawa ng torneo ang Asean Universoty Games organizers noong 2020 dahil sa pandemya.

Maliban sa volleyball, magpapartisipa rin ang Pilipinas sa swimming competition.

ASEAN UNIVERSITY GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with