^

PSN Palaro

Nagpapagaling na si Coach Jong Uichico

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Nagpapagaling na si Coach Jong Uichico
Coach Jong Uichico.
STAR/File

MANILA, Philippines — Bumuhos ang maiinit na mensahe kay seasoned coach Jong Uichico matapos itong atakihin sa puso noong Sabado ng gabi sa kanyang tahanan.

Napaulat na inatake si Uichico habang nagpapahinga na ito matapos ang kanyang regular na workout sa kanilang bahay.

Kahit may naramdaman, nagawa pa ni Uichi-co na magmaneho at dalhin ang kanyang sarili sa ospital para sa agarang lunas.

Sa ngayon, nasa maayos na kalagayan na si Uichico na sumailalim sa angioplasty sa Medical City at nagpapagaling na sa ospital.

Nagulantang ang buong basketball community sa nangyari kaya’t kaliwa’t kanan ang mensahe mula sa mga coaches, players at officials kay Uichico para sa agaran nitong paggaling.

Ilan sa nagbigay ng mensahe sina Barangay Ginebra coach Tim Cone at Meralco mentor Norman Black gayundin sina Pido Jarencio at Ariel Vanguardia at ilang opisyal ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Isa si Uichico sa mga matagumpay na coaches sa PBA. Nagwagi ito ng siyam na titulo sa liga kasama ang walong korona sa l San Miguel franchise.

vuukle comment

JONG UICHICO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
10 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with