^

PSN Palaro

Casimero ‘di tuloy ang laban vs butler

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Casimero ‘di tuloy ang laban vs butler
Casimero.
STAR/File

MANILA, Philippines — Posibleng hubaran ng World Boxing Organization (WBO) bantamweight crown si John Riel Casimero matapos mapaulat na hindi nito nakuha ang timbang para sana sa title defense nito kay British fighter Paul Butler.

Nakatakda sana ang laban sa Coca Cola Arena sa Dubai, United Arab Emirates ngayong araw, alas-5:30 ng hapon (alas-9:30 ng gabi sa Maynila).

Subalit pumutok ang bali-balitang hindi na matutuloy ang Casimero-Butler fight.

Habang sinusulat ang balitang ito, wala pang opisyal na statement ang kampo ni Casimero maging ang Probellum na siyang promoter ng laban.

Isa sa usap-usapang dahilan ang pagkakaroon ni Casimero ng viral gastritis dahilan para mahirapan itong magbawas ng timbang.

Dahil hindi na tuloy ang laban, nagkukumahog ang mga organizers na makuha ang approval ng WBO para matuloy lamang ang laban.

Bilang kapalit ni Casimero, napaulat na nais ng Probellum na isabak si Ghanian Joseph Agbeko para makasagupa ni Butler.

Kung matutuloy ang laban nina Butler at Agbeko, ang mananalo ang siyang awtomatikong hahawak ng WBO bantamweight belt na tinanggal kay Casimero.

Nauna nang inihayag ni Casimero na excited itong makasagupa si Butler kung saan pakay nitong ilabas ang lahat ng kanyang bagsik upang makuha ang impresibong panalo.

Para kay Casimero, isang magaan na kalaban si Butler. May pa-hashtag pa ito sa kanyang social media accounts na #easywork.

JOHN RIEL CASIMERO

WORLD BOXING ORGANIZATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with