Jaja mainit sa Japan V.League
MANILA, Philippines — Mainit ang ratsada ni middle blocker Jaja Santiago ng Saitama Ageo Medics sa Japan V.League matapos makuha ang No. 2 spot sa dalawang individual rankings.
Nasa ikalawang puwesto ang 6-foot-5 Pinay spiker sa attacking department matapos magtala ng 51.1 accuracy rate.
Naungusan ni Santiago sina No. 3 Hinano Michishita ng Kurobe Aqua Fairies (51.0), No. 4 Mizuki Yanagit ng NEC Red Rockets (49.3) at No. 5 Ogawa Airina ng East Arrows (46.0)
Nangunguna si Asuka Hamamatsu ng Hisamitsu Springs na may 53.7 percentage.
Sa blocking department, ramdam na ramdam din ang puwersa ni Santiago na may 0.59 rating para okupahan ang No. 2 position.
Sa kanilang huling laro, umiskor si Santiago ng 25 puntos subalit nawalan ng saysay ang pinaghirapan nito matapos yumuko ang Ageo Medics sa Denso, 24-26, 23-25, 25-23, 25-18, 11-15.
Dahil sa kanyang magandang inilaro sa nakalipas na linggo, itinanghal si Santiago bilang Most Valuable Player (MVP) of the Week sa V.League.
Inaasahang reresbak si Santiago at ang Ageo Medics sa susunod na laro nito ngayong linggo upang mapalakas ang kanilang tsansa na makapasok sa susunod na yugto ng torneo.
- Latest