^

PSN Palaro

Mac Cardona lalaro sa PBA 3x3

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Mac Cardona lalaro sa PBA 3x3
Mac Cardona.
STAR/File

MANILA, Philippines — Ang paglalaro sa PBA 3x3 tournament ang gagawing paraan ni ve-teran guard Mac Cardona para muling makabalik sa liga na kanyang iniwan noong 2017.

Sasalang ang 40-an-yos na one-time PBA champion guard para sa Zamboanga Valientes sa PBA 3x3 na didribol sa Nobyembre 20 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

“I’m kind of old now. I’m 40 years old. Tignan natin kung mabigyan pa ako rito ng opportunity,” sabi ni Cardona, ang No. 5 overall pick ng Air21 Express noong 2005 PBA Rookie Draft. “So sana, maging maganda’ yung pagreretiro ko sa PBA.”

Nang mawala sa PBA ay naglaro ang five-time All Star sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) kung saan niya natulungan ang San Juan Knights sa pagkopo sa korona laban sa Davao Occidental Tigers noong 2019 Datu Cup.

Makakasama ni Cardona, ang pinakamatandang player sa torneo, sa kampo ng Valientes sina JR Cawaling, Kyle Neypes at Gino Jumao-as.

Kasama ng Zam-boanga sa Pool A ng PBA 3x3 tournament ang TNT Tropang Giga, Limitless Appmasters, Platinum Karaoke at Purefoods TJ Titans.

Ang Barangay Ginebra ang babandera sa Pool B kasama ang Terrafirma, Meralco at Sista Super Sealers, habang nasa Pool C ang San Miguel, CAVITEX Pioneer Pro Tibay at NorthPort.

Bukod kay Cardona, ang iba pang dating PBA players na maglalaro sa 3x3 ay sina Larry Fonacier (CAVITEX), Dylan Ababou (Platinum), Jeepy Faundo (NorthPort), Val Acuna (Purefoods) at Samboy de Leon (TNT) at Nico Salva (Phoenix).

Orihinal na itinakda ang paglulunsad sa PBA 3x3 tournament noong Marso ng 2020 kundi lamang nagkaroon ng COVID-19 pandemic.

MAC CARDONA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with