Pinay Spikers kulelat sa AVC
MANILA, Philippines — Tinapos ng Choco Mucho ang kampanya nito tangan ang sixth place sa 2021 Asian Women’s Club Volleyball Championship na ginanap sa Terminal 21 Hall sa Nakhon Ratchasima, Thailand.
Bigo ang Pinay Spikers na masustenihan ang mainit na kamada nito sa huling sandali ng laro upang lasapin ang 14-25, 11-25, 23-25 kabiguan sa kamay ng Zhetysu-Kazakhstan sa battle-for-fifth spot.
Nagsanib-puwersa sina Filipino-American outside hitter Kalei Mau at middle blocker Riri Meneses para makadikit ang Choco Mucho sa Zhetysu.
Subalit agad na kumilos ang Kazakhs squad nang magpakawala ito ng atake na sinabayan pa ng hitting errors ng Pinay Spikers para tuluyang makuha ang panalo.
“We’re working on our creativity as a team, we’re still trying to build up,” ani Mau.
Tumapos naman sa ikapitong puwesto ang Rebisco na walang naipanalo sa limang laro nito.
Masaya si Rebisco wing spiker Faith Nisperos sa oportunidad na makalaro sa national team.
“We have learned a lot. This experience has been a very good step for us especially for us college students. This experience, we could use in our collegiate career back in the Philippines,” ani Nisperos.
- Latest